Tuesday, March 15, 2005

Ikaw Nga

Heto na naman
Nag-iisip, minsan nagtataka
Nasa ‘kin ang lahat bakit nangungulila, oh
At nang Makita ka
Ibang sigla aking nadarama
Pag-ibig nga ba ito ako’y nangangamba, oh

Nais kong ipadama sa iyo
Sana’y dinggin mo ang lihim ng pusong ito
Kahit na tayo’y magkaibang mundo, wohh…

Ikaw nga ang siyang hanap-hanap
Kay tagal na ako’y nangarap
Lumuluhod, nakikiusap
Ako ay mahalin mo, sinta
Ikaw nga ang siyang magbabago
Sa akin, sa aking buhay
Handang iwanan ang lahat
Upang makapiling ka, sinta, ohh…

Nang makilala ka
Ibang saya aking nadarama
Alam kong pag-ibig ito, anong ligaya

Nais kong ipagtapat sa iyo
Sana’y pagbigyan, dinggin ang puso kong ito
Kahit na tayo’y magkaibang mundo wohh…

Ikaw nga ang siyang hanap-hanap
Kay tagal na ako’y nangarap
Lumuluhod, nakikiusap
Ako ay mahalin mo, sinta
Ikaw nga ang siyang magbabago
Sa akin, sa aking buhay
Handang iwanan ang lahat
Para lang sa iyo, sinta
Upang makapiling ka, sinta

(by: Jay Durias)

1 comment:

Beng said...

Sino nga si "ikaw?" As if naman, sasabihin mo! Hey, you might want to write about your speaking to the nurses. I'd be interested to read it if you'll write about it.